paul

paul

13-11-2022

03:03

Baguio City Ukay spots - A Thread (that nobody asked for) These are my go-to places pag nangangati akong bumili ng mga stuff from ukay whenever I'm in Baguio Photos from google ✨

1. Skyworld Commercial Center 9/10 Dito ako mostly nakakabili ng mga premium quality goods like shoes and bags. Madami silang "selection" items (mga pre selected branded items). Medyo pricey pero maganda talaga mga quality ng mga items here. Located along Session Rd.

2. Bayanihan Shopping Center 7/10 Another building na maraming ukay store sa loob tulad ng skyworld. Cheap items and mas madaming clothes and shoes dito mostly. Accessible since sa tabi lang ng Burnham park. Located at Shanum St.

3. Hilltop Market - Hilltop St. Baguio City 8/10 Dito pinakamura yung mga items as in may mabibili ka na 20 pesos ganon! Medyo nakakahingal siyang puntahan kase sa taas siya ng Baguio Public Market pero andami talagang items dun na mura kaya worth it puntahan.

4. Baguio Night Market 8/10 Biggest ukay market in Baguio located along Harrison st. 8/10 kase medyo mahirap magshop kase yellow street lights tapos sobrang crowded during weekends mahirap pumili at magfocus magshopping. Ang dami talagang mabibili dito lahat meron na pati FOOD!

Yun lang mga pinupuntahan ko. Share naman kayo ng ukay spots niyo sa Baguio para mapuntahan ko din next time HAHAHA PLS



Follow us on Twitter

to be informed of the latest developments and updates!


You can easily use to @tivitikothread bot for create more readable thread!
Donate 💲

You can keep this app free of charge by supporting 😊

for server charges...